At ang pagdating nina Mark Andaya at John Paul Alcaraz ang siyang magbibigay sa Intramuros-based squad ng mas malakas na offensive option kumpara sa nakaraan at ang pagkakasama rin ni Mark Macapagal, ang dating San Sebastian hotshots, ang magbibigay ng kinakailangang katatagan ng pulso ng Knights upang makasabay sa mga malalakas na koponan gaya ng Magnolia-FEU at Welcoat Paints.
"My line-up is much better than my previous squad but we have to work harder this time if we want to mirror our feat in the last conference," pahayag ni Toyota Otis-Letran coach Louie Alas. "We have to be aggressive and resolute."
At ang malakas na lineup na dala ni Alas sa ngayon ang magiging daan upang makali-mutan ang hindi magandang alaala sa kabiguang mapanatili ang kanilang korona sa NCAA.
Gayunpaman, sineseguro ni Alas na hindi ito magiging madali.
Matatandaan na handang-handa at kayang-kaya ng Knights na mapanatili ang kanilang hawak na NCAA crown matapos na sorpresang tumapos ng ikatlong puwesto sa Unity Cup, subalit sila ay binigo ng PCU Dolphins sa semis.
At mapalad ang Knights dahil nagkaroon sila ng generous patron sa Toyota Otis sa pangunguna ng sportsman na si Rey Oven at Giol Angeles, na nagpatuloy sa kanilang paniniwala sa kanilang prog-rama at nangako na tutulungan sila maging ito ay habang buhay.
Bukod sa 6-foot-7 na si Andaya, ang iba pang malaking tao ni Alas ay ang 6-foot-5 na si Jonathan Pinera, 6-foot-5 Dennis Daa, 6-foot-4 Efren Valdez at defensive specialist Eric Rodriguez. Kasama si Andaya, ang koponan ay mayroong solidong frontcourt rotation.
Subalit para sa kanilang scoring load, inaasahan na sasandig si Alas sa razzle-dazzle play ni Ronjay Enrile. bukod kay Enrile, aasa rin si Alas kina Boyet Bautista, Jonathan Aldave, Aaron Aban, Hafer Mondragon at Maca-pagal na hindi lang banta sa loob, kundi kaya rin nilang tumira sa labas lalo na sa rainbow area.