Umaasa ang kampo ni Pacquiao na pinangungunahan ni Rod Nazario na magagawan ng paraan na ipares sina Pacquiao at Harrison sa Nobyembre o kayay sa Disyembre subalit sa isang report ng British Broadcasting Corporation ay nalaman na plantsado na ang Harrison-Kebede fight.
Sa kasalukuyan ay nasa Hollywood, California, si Pacquiao at nagsasanay sa Wild Card Boxing Club ni Freddie Roach kasama ang trainer na si Buboy Fernandez at kapatid na si Bobby Pacquiao at si Z Gorres ng Cebu.
Dahil hindi mabigyan ng laban ni promoter Murad Muhammad ay nanganganib na ang New Jersey-based promoter na tanggalin bilang miyembro ng Team Pacquiao oras na matapos na ang kanyang kontrata sa Enero 2005.
"Sa tingin ko ay hindi na nasisiyahan sina Manny sa performance ni Murad," wika ng isang malapit sa management team ni Pacquiao, ang kinikilalang top featherweight sa mundo.