Kampanya para sa GM title pinatatag ni Paragua

Pinalakas ni International Master Mark Paragua ang kanyang kampanya na maging ikaanim na Grandmaster nang kanyang talunin si GM Ramil Hasangatin ng Russia sa fifth round noong Lunes ng gabi sa 2nd Alushta GMT sa Alushta, Crimea, Ukraine.

Dahil sa panalong ito ni Paragua, na kulang na lamang ng isang GM-norm upang makamit ang GM title, nananatiling malinis ang kanyang kampanya sa 16-man event na ito na ito kung saan mayroon na siyang dalawang panalo at tatlong draws para makalikom ng 3.5 puntos.

Nakisalo ang 20-anyos sa top spot kina Indian IM Das Neelotpal at Russian IMs Sergey Vokarev at Alexander Ibukhov.

Ginapi ni Ibukhov si Christian Kyndel Pedersen ng Denmark, habang naki-paghatian naman ng puntos si Neelotpal kay GM Andrey Nikitin ng Russia, gayundin si Neelotpal na nakipagkasundo naman sa draw kontra sa 6-time Turkmenistan champion na si IM Orazly Annagelyev.

Susunod na makakaharap ni Paragua si Nikitin na ang unang limang laban ay nauwi sa draw na nagbigay sa kanya ng 2.5 puntos.

Para makumpleto ang kanyang pagka-GM, kailangan ni Paragua na umiskor ng hindi bababa sa 11 puntos sa category IX tournament na may average rating na 2454.

Show comments