Ginapi ng 20-anyos na si Paragua na tangka ang kanyang ikatlo at final norm na siyang magbibigay sa kanya ng Grandmaster title ang WGM/IM na si Olga Alexandrova ng Ukraine sa third round matapos ang 50 moves ng Sicilian Defense-Scheveningen variation.
Matapos ito, humatak si Paragua ng draw kontra naman kay IM Dmitry Tishin ng Ukraine sa fourth round matapos ang 35 sulungan ng Kings Indian Defense na nagkaloob sa kanya ng kabuuang 2.5 puntos mula sa tatlong draws, isang panalo sa apat na laro.
Obligado ang 16-player na tapusin ang nasabing tournament na umiskor ng hindi bababa sa 11 puntos upang makakuha ng GM norm.
Susunod na makakaharap ng 1998 World Rapid under-14 champion na si Paragua ang Russian GMs na si Ramil Hasangatin at Andrey Nikitin sa fifth at sixth round, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, alang-alang sa bansa, sinabi ni Grandmaster Rogelio Joey Antonio Jr., na maluwag niyang tatanggapin kung siya ay aalukin ng slot sa mens chess team na sasabak sa World Chess Olympiad sa Majorca, Spain sa susunod na buwan.
"Anytime basta para sa bansa. Sino ba naman ang tatanggi kung bayan ang nangangailangan ng tulong mo," pahayag ni Antonio, enlisted member ng multi-titlist Philippine Army Chess Team.
Niliwanag rin ni Antonio na wala siyang tutol sa ipinalabas na resolution ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na nagsasaad na ang ang mga top seeded player ng bansa ay awtomatiko sa National team na lalahok sa Southeast Asian Games at Chess Olympiad.