Dahil inaprobahan noong Biyernes ng mga board directors ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang resolution na nagsasaad na ang mga awtomatikong seeded at top-rated players ng bansa ang siyang isasabak sa Olympiad at Southeast Asian Games.
Ang nasabing resolution ay ipinakilala ni Rep. Mat Defensor, dating pangulo at ngayon ay board chairman na sinegundahan ng bagong halal na NCFP president na si Go Teng Kok.
Nakasaad sa nasabing resolution na si Paragua, ang kaslaukuyang No. 1 chess player ng bansa na may ELO na 2554, ay makakasama sa kanyang ikalawang Olympiad kahit hindi na ito sumabak pa sa mahigpitang elimination tournament na magsisimula sa Sept. 18 sa Tagaytay City.
Si Paragua, na kasalukuyang nasa Ukraine at sumasabak sa ikalawa ng tatlong bahagi ng mahigpitang tournament, ay hindi nahingan ng pahayag hinggil dito.
Ayon naman sa abugadong si Sammy Estimo, na nahalal bilang secretary-general na ang naturang resolution ay magbibigay inspirasyon sa mga top players na magsikap na mapaangat ang kanilang ELO ratings.
Sinuportahan naman nina Grandmaster Eugene Oliveros Torre at Asian Zonal champion Ronald Titong Dableo ang nabanggit na board resolution.
Nakasaad din sa bagong board resolution na tanging limang slots lamang ang ipagkakaloob sa nalalabing 17 chess finalists.
Samantala, dinala kaagad ni Mark Paragua ang kanyang unang kampanya para sa pagsungkit ng ikatlong GM-norm sa draw ang kanyang laban kontra kay Das Neelotpat ng India, ang kanyang mahigpit na kalaban sa 1st Alushta GMT.
Susunod na makakaharap ni Paragua ang WGM/IM na si Nino Khurtsidze ng Georgia hawak ang mga itim na piyesa.