At ng hingan si Buhain sa PSA Forum ng pahayag hinggil sa pamamayani ng Thais ng dalawang gintong medalya sa weightlifting at isa sa boxing sa Athens Games, sinabi nito na mahirap silang maiwanan sa karera para sa No. 1 spot sa 2005 SEAG na siya ring inaasinta ng host Filipinos.
"Even if we did not win any medal, our athletes fought hard in Athens. Im sure they will fight even harder in the 2005 SEA Games," ani Buhain kung saan panauhin din sina Philippine SEA Games Organizing Committee Chairman Roberto Pagdanganan, Bacolod City Rep. Monico Puentevella at Athens Olympians Toni Rivero, Donald Geisler, Jasmine Figueroa, Timmy Chua at Chris Camat.
Sinabi rin ng dating champion swimmer na naging parte rin ng RP crew na kamuntik ng sumungkit ng overall title ng huling idinaos ang biennial meet sa bansa noong 1991 na ang second phase ng Medalyang Ginto, May Laban Tayo project ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo ay siniguro na ang mga atleta sa national pool ay magkakaroon ng sapat na training para sa Nov. 27-Dec. 5, 2005 Games.
"First Gentleman Mike Arroyo is very, very much gungho in supporting the athletes. Their preparations will be good enough for a performance worthy of the overall championship," wika pa ng PSC chief na nagsabi pa na ang executive committee ng Medalya program ay nakatakdang magpulong para ayusin ang mga detalye ng gagawing fund-raiser sa Biyernes.