Sa 12th round pa lamang ay ganap ng nakuha ni Paragua ang kanyang 2nd GM norm nang tanggapin niya ang alok na draw ng kalabang GM top seed na si Vladimir Malaniuk ng Ukraine, bago umiskor ito ng panalo kontra naman sa IM na si Nino Khurtsidze ng Georgia sa 13th round.
Bunga ng kinalabasan ng resulta ng kanyang laban, umani na si Para-gua ng 9.5 puntos kung saan kasalo niya sa pangunguna ang kapwa IM na si Yuriy Kuzubov ng Ukraine na umiskor rin ng dalawang sunod na panalo kontra sa GM na si Sergey Kalgin ng Russia at IM Dmitry Tishin ng Ukraine, ayon sa pagkakasunod sa 16 players round robin tournament.
Nakasaad sa FIDE rules sa round robin tournament, maaaring maku-ha ng manlalaro ang GM result sa 12 rounds kung siya ay makakapagtala ng hindi bababa sa 8.5 puntos at nakalaban ang hindi rin bababa sa tatlong GMs at hindi rin bababa sa limang players mula sa magkakaibang federations.
Base rin sa kalkulas-yon ng tournament arbiter, si Paragua ay bumag-sak sa category IX ave-rage rating na 2460 na nangangailangan ng 8.5/12 games. At bilang karagdagan ang kanyang performance rating ay humantong sa 2663 matapos ang 12th round.
" Sa wakas nakuha ko rin, maybe 5 times na missed ko yong GM norm pero ngayon I finally got it," pahayag ni Paragua.
Unang nakuha ni Paragua ang kanyang first GM norm ng tumapos ito ng pakikisalo sa unahan sa eventual winner na Russian GM na si Oleg Korneev sa 2001 Mondariz International Swiss Tournament na ginanap sa Mondariz Spain.