Si Rubillar ay lalaban kay World Boxing Council (WBC) lightflyweight champion Jorge Arce sa Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Maynila) sa El Toreo de Tijuana sa Tijuana, Mexico.
"Maganda ang kundisyon ni Juanito," wika ni Elorde mula sa kanilang hotel sa La Mesa Inn sa downtown Tijuana. "Pagkatapos niyang mag-training ng sampung rounds ay tumimbang ito ng 109 pounds, isang pound lang over sa limit na 108."
At dahil dito ay binigyan ni Elorde ng isang "steak dinner" si Rubillar kasama rin ang tampok na trainer na si Fernando Cabanela.
Dumating na rin doon si Wyndell Janiola at ang manager na si Joy Ouano at trainer Carl Peñalosa mula pa sa Cebu. Umalis ng Cebu ang Team Janiola noong Linggo ng umaga at matapos mag-stopover sa Manila, Hong Kong, London at Mexico City, ay dumating ang mga ito sa Tijuana.
Lalaban si Janiola kay Eric Ortiz ng Mexico sa isang International Boxing Federation title elimination match sa light-flyweight category.