Gayunpaman, hindi naman sinuwerte si Donald Geisler III sa kan-yang mahigpit na engkuwentro kay dating world champion Bahri Tanrikulu ng Turkey, bagamat nagsagawa ng mainit na rally ang Pinoy sa huling 32 segundo ng laban bago yumuko sa pamamagitan ng superiority.
Sumandal si Rivero sa kanyang malupit na katatagan bagamat hindi maganda ang simula at may sugat sa kaliwang binti dinaig niya ang dating world silver medalist na si Yanina Beron Sanchez sa pamamagitan ng superiority matapos ang 10-all draw sa first round.
Makalipas ang 40 minuto, bumalik ang pinakabatang Olympian sa edad na 16 anyos sa mat upang igupo naman si Charmie Sobers, quarterfinalist sa Cheju, Korea world event noong 2001, sa pamagitan ng 10-4 decision sa quarterfinals.
Ang panalo ay nagbigay sa 58 Pinay jin sa semifinals upang maka-harap ang hometown bet na si Eliavet Mystakidou ng Greece.
Kapag humatak ng panalo si Rivero kontra sa home favorite, ikatlo sa world noong nakaraang taon, uusad ito sa final kontra sa Chinese world champion na si Wei Lou at isiguro ng silver medal ang bansa.
"I believe I played well, it was an important victory. Now I must look at my strategy for the game against Mystakidou," aniya.
Ngunit ang kabiguan niya sa Griyego makakabawas sa kanyang kam-panya sa bronze mula sa repechage sa losers side, kung aakyat naman si Mystakidou sa gold medal bout. Hindi tulad sa Olympic boxing, isang bronze medal lamang ang ibinigay sa lahat ng apat na weight division sa taekwondo.
"She fought well, wasnt scared and in high spirits. In the second match, she loosened up and became more confident," ani Robert Aventajado, president ng Philippine Taekwondo Association. (Ulat ni Lito Tacujan)