Nagsimula ang lahat nang magtagpo ang Knights at UPHDS Altas noong nakaraang linggo. Nag-agawan si E. Rod at Dean Apor ng Altas. Natumba ang dalawa. Iginiit ni Rodriguez ang kanyang braso sa leeg ni Apor, na gumanti sa pagpalo sa mukha ni Rodriguez. Itinapon si Apor. Sumunod dito, ibinaba ang suspensyon. Inireklamo ng Letran na hindi sila binigyan ng pagkakataong ibigay ang panig nila.
"The NCAA Ground Rules and Manual of Operations is the Bible of the NCAA. A TRO has no place in the NCAA," opisyal na pahayag ni Mike del Mundo, chairman ng NCAA Management Committee (MANCOM). "We filed for a Motion for Reconsideration. If we dont receive it in time, we will have to honor the TRO."
Bagamat ganoon nga ang nangyari, di na pinalaro si Rodri-guez, dahil diumanoy nabagabag ito sa mga pangyayari.
"We just want our side to be heard," paliwanag ni Rey Reyes, tagapagsalita ng Letran.
Marami ang nagsabi na hindi maganda ang ipinapahiwatig nito para sa liga, dahil maaaring may mga sumunod sa ginawa ng Letran tuwing may kontrobersya. Kung ganyan daw ang mangyayari, mawawala ang 80-taong kaayusan sa NCAA, at papasukin na ng hudikatura.
Napapanahon na ring patibayin ng NCAA ang kanilang mga kasunduan sa isat isa, nang di na umapaw ang kanilang mga di-pagkakaunawaan sa labas ng court, baka magkakulay pang iba. Tandaan nating bukod sa kampeon ang Letran, sila ang punong-abala sa 2005, habang UPHDS naman ang namumuno ngayon. Noong unang round, nasuspindi ang star ng Letran na si Ronjay Enrile nang duraan niya sa mukha diumano si Noy Javier ng Perpetual.
Kung ako ang tatanungin, di na dapat umabot sa korte, kung lahat ay pinag-usapan at walang iwasan. Ang habol naman ng lahat ay di lamang manalo, kundi and mapaganda ang pagpapatakbo ng liga, di ba?
May kasabihang "Games should be decided on the court, not in the boardroom."