Sa pakikipanayam kay Red Bull coach Yeng Guiao, sinabi nito na totoong nakipagnegosasyon na sila sa posibleng pagkuha kay Meneses.
"Hanggat maaari, kung pwedeng makuha si Meneses nang mananatili sa amin si Homer (Se) ay mas gusto ko," ani Guiao, nahalal na Vice-Governor ng Pampanga at napiling coach sa All-Star Games na gaganapin sa Cebu City sa Agosto 15.
Gayunpaman, inamin din ni Guiao na sa kasalukuyan, hindi pa napa-finalize ang negosasyon sa pagitan ng Red Bull management at FedEx Express.
"Siguro, after the All-Star Games, may mangyayari na sa negosasyon. But as of now wala pa talaga," pagdidiin ni Guiao.
"Marami pa kasing dapat asikasuhin ngayon lalo nat kabilang si Meneses sa All-Star Games." dagdag pa niya. "Pero hanggat maaari ayoko ring ipamigay si Homer. Kasi lahat ng team kailangan ng big men. Kaya yon rin marahil ang gusto ng FedEx."
Samantala, hindi na irerenew ng Red Bull ang kontrata ni Nelson Asaytono na mapapaso ng Dis-yembre. Malamang na hindi na rin makasama sa lineup sa pagbubukas ng liga si Asaytono sa Oktubre.