Kaya naman umangat sina Red Vicente at Venancio Rebuya sa final canto upang tibagin ang hamon ng JRU Heavy Bombers tungo sa 73-65 pamamayani ng SSC-R Stags sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Nagtulong sina Vicente at Rebuya sa pinagsamang 21-puntos sa ika-apat na quarter upang makabawi ang Baste sa 79-81 kabiguan sa kanilang unang pakikipagkita sa JRU Heavy Bombers noong July 21 dahil sa buzzer beating triple ni Wynsjohn Te.
Umangat ng 11 puntos ang San Sebastian, 69-58 papasok sa huling 3:25 oras pa ng labanan ngunit ang tanging nagawa ng Jose Rizal ay makalapit ng hanggang limang puntos mula sa 6-0 salvo na naglapit ng iskor sa 64-69, 55 segundo na lamang.
Gayunpaman, nagpakatatag ang Baste upang maipreserba ang panalo at ipalasap sa Heavy Bombers ang ikalimang talo sa kabuuang walong laro na sumira sa kanilang back-to-back wins.
Sa highschool division, naiposte ng JRU Light Bombers ang ikala-wang panalo sa anim na laro matapos ang 79-74 panalo laban sa SSC-R Staglets na bumagsak sa 4-4 karta.