Rañola,nanalasa

Patuloy ang pananalasa ni Filipino National Master Yves Rañola matapos sibakin si Super GM Vladislav Tkachiev ng France para makisosyo sa ika-2 hang-gang ika-11 na puwesto matapos ang fifth round ng XVI Open Cannes International Chess Championships kahapon sa Cannes, France.

Dahil sa panalong ito ni Rañola siya’y nakalikom ng 4.0 na puntos para makihanay kina GM Miroljub Lazic ng Yugoslavia, Super Grand-master Igor Miladinovic ng Greece, GM Andrei Sokolov (ELO 2583) at IM Aurelien Dunis ng France, GM Andrei Shchekachev ng Russia, GM Bogdan Lalic ng Eng-land, GM Mladen Palac ng Croatia, GM Vadim Malakhatko ng Ukraine, at IM Namig Gouliev ng Azerbaijan.

Si Rañola ay nangangailangan na lamang ng isang IM norms/ results para makumpleto ang kanyang IM status.

Nanalo din ang dalawang Pinoy na sina IM Jo-seph Sanchez at IM Ronald Banco.

Show comments