Ito ang naging desis-yon ng management committee ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) base sa rekomendasyon ng tech-nical committee ng basketball.
Sa naturang pagkatalo ng Letran Knights, dinuraan ni Enrile sa mukha si Dominador Javier sa isang mainit na tagpo sa ikalawang quarter.
Sa simula pa lamang ng labanan ay nagkakagirian na ang dalawa dahil sa pisikal na laban sa pagitan ng dalawang nangungunang koponan.
Hindi maaasahan ni Letran coach Louie Alas ang key player na si Enrile sa kanilang pakikipagharap sa mapanganib na San Sebastian College-Recoletos sa Biyernes.
Ang kabiguan ng Letran ang dahilan ng kanilang pagbagsak sa ikalawang puwesto taglay ang 4-2 record habang nasolo ng UPHDS Altas ang pangkalahatang pamumuno matapos itala ang ikalimang sunod na panalo sa anim na laro. (CVOchoa)