Kinailangan ni Julie Ann Hilador ng extra set upang payukurin si Rose Ann Dela Cruz, 11-9, 6-11, 11-6, habang ang doubles tandem nina Criselda Sarabia at Mary Sebastian ay namayani naman kina Sandy Banquilles at Czarina Barbo, 15-0, 15-12, nang kunin ng FEU ang titulo kontra sa UST, 2-0.
Nasustina ng FEU mens squad ang momentum at iginupo naman ang karibal na UE sa pamamagitan ng gayundin ding iskor nang gapiin ni Wilmer Frias si Dodie Sertan at nanaig naman ang doubles pair nina Mark Anthony Natividad kontra kina RJ Cruz at Edison Cupcopin ng UE, 15-9, 15-11.
Ngunit ipinakita ni Kennie Asuncion, kampeon sa womens singles, ang kanyang husay nang mapagwagian nito ang lahat ng kanyang event kabilang ang pakikipagtamblan sa kanyang kapatid na si Kennevic para sa 15-2, 15-3 panalo laban kina Jaime Llanes at Alma Ledesma sa mixed doubles, at makipagtambalan kay Irene Chiu, para naman sa ladies doubles title sa pamamagitan ng 15-2, 15-3 panalo kina Ledesma at Janina Paredes.
Bumawi naman si Ian Piencenaves sa kanyang malungkot na kabiguan nang makipagtambalan ito kay Arolas Amahit Jr. para igupo sina Kennie Asuncion at Melvin Llanes, 15-8, 6-15, 15-2, at makopo ang mens doubles.