Oot hindi pa maituturing na superstar si Villanueva na isang sophomore sa PBA. Pero siya ang pinagtitilian ng mga fans. Hindi ang kanyang kakamping si Davonn Harp na kahit na sabihing may asim na sa paglalaro ay hindi naman ganoon ang hakot sa mga sumusubaybay sa PBA.
Katunayan, sa nakalipas na best-of-five Finals ng Gran Matador-PBA Fiesta Conference, hindi maitatangging malaki ang naiambag ni Villanueva sa Red Bull. Tumaas ang antas ng kanyang laro samantalang naging disappointing naman ang performance ni Harp na sa Game-Two lang nakapagpakitang-gilas.
Si Harp ay kabilang sa North team na hahawakan ni Red Bull coach Joseller "Yeng" Guiao. Kasama niya sa koponang ito sina Vergel Meneses, Rommel Adducul, Olsen Racela, Paul Artadi, Rich Alvarez, Willie Miller, Mark Caguioa, Dennis Espino, Rudy Hatfield, Ali Peek at Jeffrey Cariaso.
Biruin mong si Alvarez, na isang rookie sa line-up ng Shell Velocity ay nakasali sa North Team. Kakampi ni Villanueva si Alvarez sa Ateneo Blue Eagles at parehas lang naman ang kanilang husay. Katunayan, si Villanueva ang nahirang na Most Valuable Player ng University Athletic Association of the Philippines nang magkampeon ang Ateneo noong 2002.
Wala namang magagawa si Guiao kahit humirit siya na isama si Villanueva sa line-up ng North Team. Hindi naman kasi siya ang namimili ng manlalaro kundi isang panel ng mga coaches.
Kumbagay binalanse din ng mga namili ang bilang ng mga manlalaro per team na isasama sa All-Star Game. Dalawa na sa Red Bull ang nakuha at itoy sina Harp at Junthy Valenzuela na kasama naman sa South team. Understandable na isama si Villanueva dahil sa Cebu gagawin ang All-Star Week. Sikat si Valenzuela sa mga Cebuano dahil tagaroon siya. Panghatak din siya sa mga manonood ng sagupaan ng dalawang koponan.
Pero big letdown nga ang pagkawala ni Villanueva na kung dito sa Mayila gaganapin ang laro ay nanaisin talaga ng mga fans na makita.
Naghihinanakit nga lang ang ilang miyembro ng Red Bull Barako lalo na ang management nito.
Kasi nga, sa tuwing mayroong functions ang PBA gaya ng mall tours at kailangan ng mga manlalarong magsisilbing guests, hinihiling ng PBA Commissioners Office na sumama si Villanueva dahil nga malakas ang hatak niya sa mga fans.
Kung ganoong kalakas si Villanueva sa mga fans at palagi siyang pinapupunta ng PBA sa mga functions nito, abay bakit nga ba hindi siya napabilang sa North Team?
Hindi kaya ma-disappoint ang mga fans kahit na karamihan ng mga ito ay Cebuano sa pagkawala ni Villanueva?