At sa pagpapatalsik sa pangunahing pambato ng Air Force sa straight sets, makakaharap ni Escoses ang kinakatakutang si Ian Piencenaves sa semis sa pagpagitna ng event sa Huwebes.
Tinalo ni Piencenaves ang mahigpit na nakipag-laban na si Bogie de Guia ng Valle Verde, 15-2, 17-14 para sa kanyang kampanyang mapanatili ang titulo.
Iginupo naman ni Kennevic Asuncion, second seed sa event na ito na itinataguyod ng JVC si Christopher Flores ng FEU, 15-2, 15-4, upang isaayos naman ang pakikipagtagpo sa semis kay 3rd ranked Arolas Amahit Jr. na nanaig naman kay Jaime Llanes ng PNP, 15-10, 15-6.
Sa kababaihan lahat ng top four seed ay umu-sad sa semis sa taunang event na ito na suportado din ng Technomarine, Colours, Alaska, Rudy Project, Accel, Ayala Center, The STAR, Tokyo Tokyo, Lactacyd, 103.5 K-Lite, Pioneer Insurance, Gosen at Victorinox Orgi-nal Swiss Army Knives.
Tinalo ni defending champion Kennie Asuncion ng Valle Verde si Athena Alvarez, 11-0, 11-3 para makaharap si Amanda Carpo na nanaig naman kay Ronnielie Kagalingan, 13-10, 11-8, habang ang second ranked na si Irene Chiu ng Premiere Club/Ateneo ay ginapi si Aldelly Po, 11-1, 11-2, para isaayos ang duelo kay Alma Ledesma na nanaig kay Lisa Sormillo, 11-7, 11-6.
Samantala, magtitipan naman ang The Philippine Star at PLDT para sa isang finals berth sa semi-final round ng corporate division na may naka-laang kabuuang premyo na P70,000 simula alas-11 ng umaga. Sa kabilang panig naman, maglalaban ang AB Leisure at Citibank para sa isa pang slot.
Dinimolisa ng STARmen ang Pilipinas Shell, 3-0 sa quarterfinals makaraang magwagi sina Analyn Delgado at Ana Filamor kina Pam Edwards at Kaye Legasto, 15-0, 15-4 sa ladies doubles
Nagtulong naman ang magkatambal na sina STAR president at CEO Miguel Belmonte at Chester Cordero para sa 15-2, 15-0 panalo kina Ed Magpantay at Alfred Reyes sa mens doubles bago tinapos ng tambalan nina Isa Belmonte at Doddie Gutierrez ang sweep sa pamamagitan ng 15-5, 15-7 panalo kina Pinky Ahorro at Stan Sy.
Winalis din ng PLDT ang kalabang JG Summit, 3-0 habang humatak naman ng magkatulad na 2-1 panalo ang AB Leisure at Citibank.