Bukod sa kanilang mainit na pananalasa, naglabas rin ang tropa ni coach Louie Alas ng solidong depensa na naging daan upang malimitahan ang Taft-based dribblers sa 21 puntos na produksiyon upang iguhit ang kanilang ikatlong dikit na tagumpay na naghatid sa kanila sa pakikisalo sa pahingang Perpetual Help Dalta System na mayroong magkawangis na 4-1 kartada.
Nagsilbing bayani sa tagumpay ng Knights ang sentrong si Jonathan Aldave nang kanyang ikonekta ang walo mula sa 11 puntos ng Letran na siyang nagpadingas sa pananalasa ng Intramuros-based cagers upang maagaw ang pangunguna sa 34-21 sa second period matapos na maiwanan ng Blazers sa 16-14 sa pagtiklop ng first quarter.
Ngunit hindi basta-basta sumuko ang Blazers at muli silang bumalik sa kalagitnaan ng third canto nang itarak ang 43-37 kalamangan, patungong 3:36 na lamang.
Pero panandalian la-mang ito at sa isang iglap ay mabilis na binuhusan ng Letran ng malamig na tubig ang atake ng St. Benilde nang isang umuusok na 9-2 bomba ang pinakawalan nina Ronjay Enrile, Jon Aldave, Hafer Mondragon at JP Alcaraz upang muling ibalik ang manibela sa Knights sa 52-39 sa pagtatapos ng naturang quarter. (Ulat ni BRepizo)