Binuksan ng ADB netters, na binubuo nina Dolor Tejada, Guia de Guzman, Joel Nave, Dennis Pascual, Lhemy Afable at Arnold Jalandoni, ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng tagumpay sa mens, womens at mixed doubles tungo sa pagposte ng 3-0 tagum-pay laban sa Chowking at Union Cement at ipakita ang daan sa 24-team field na humatak ng pinakamahuhusay na teams mula sa pangunahing korporasyon sa bansa.
Ang dalawa pang ibang koponan na tinapatan ang tagumpay ng ADB sa event na ito na itinataguyod ng electronics giant JVC ay ang Citibank N.A na tumalo din sa New Zealand Milk Products at Jollibee sa pamamagitan ng 2-1 routs, at Prudential Life na iginupo ang Pilipinas Shell at Philam Life.
Sampu pang koponan ang nanaig sa kani-kanilang asignatura kung saan blinangko ng The Star ang Total Philippines, Inc., 3-0, at isaayos ang pakikipagtagpo sa Shell Ex-ploration. Tinalo din ng Shell team ang Total, 2-1.
Namayani din ang mga pinapaborang AB Leisure Exponent, Inc., PLDT at Meralco sa taunang event na suportado din ng Technomarine, Colours, Alaska, Rudy Project, Accel, Ayala Center, The STAR, Tokyo Tokyo, Lactacyd, 103.5 K-lite, Pioneer Insurance, Gosen at Victorinox Original Swiss Army Knives.
Magaan na pinayuko ng AB Leisure at PLDT ang Manila Bulletin at Fujitsu Phils. Inc., via 3-0 panalo habang pinaluhod ng Meralco ang Fujitsu, 2-1. Ang iba pang nagwagi ay ang ABS-CBN, RCBC, Ford Phils., HSBC at JG Summit Holdings, Inc.