Tangan ang reputasyon bilang "team-to-beat" at armado ng intensi-bong preparasyon, ang FEU ay sasagupa kontra sa University of East sa labang inisyal na susukat sa kakayahan ng Tamaraws na mapanatili sa kanilang kampo ang koronang sinungkit nila noong isang taon.
Ang laban ay itinakda sa ganap na ika-4 ng hapon matapos ang pag-haharap ng University of the Philippines at Adamson University sa unang sultada sa alas-dos ng hapon.
Bago ang mga laro isang maikli subalit makulay at naiiba sa nakaga-wiang tradisyong opening ceremonies ang magaganap sa pangunguna ng host De La Salle Univer-sity.
Bilang paghahanda sa kanilang "back-to-back title drive", ang Tamaraws ay lumahok sa ibat ibang off-season tournament, partikular sa PBL kung saan, gamit ang pangalang Viva Mineral Water, ay kinuha nila ang titulo ng 2004 Unity Cup.
Ang Warriors ay aasa sa pamamatnubay ng baguhang coach na si Dindo Pumaren.
Samantala, isa pang binibigyan ng mataas na pagtingin sa season na ito ay ang Adamson.
Tinaguriang isa sa mga "whipping boys" ng liga haharapin nila ang UP, na hindi gaanong ikinukunsidera bilang contender subalit may kakayahan ding humatak ng malalaking sorpresa.
Sa Juniors, magtitipan ang University of Santo Tomas Tiger Cubs at UE Pages sa ganap na alas-6 ng gabi. (Ulat ni IAN BRION)