Gamit ang kaliwat kanang pag-atake at pinaigting na depensa, dino-mina at pinabagsak ng Red Lions ang Heavy Bombers, 69-51, upang pansamantalang solohin ang liderato sa 80th NCAA season basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Matapos itala ang unang 5 puntos ng laro, hindi na bitiniwan pa ng Red Lions ang bentahe at buong laro nilang nilamangan ang Heavy Bombers.
Ang tanging pagbabanta na nagawa ng Heavy Bombers ay ang makalapit sa 7 puntos sa kalagitnaan ng huling yugto, matapos mabaon ng doble-pigurang nu-mero. Subalit sa pamamagitan ng pinaigting na depensa ng Red Lions ay nilimitahan nila ang katunggali sa apat na puntos sa huling 4 na minuto upang tuluyang iselyo ang tagumpay.
Samantala, dinimolisa din ng San Beda Red Cubs, sa pangunguna ni John Carlos Hermida, ang JRU Light Bombers, 110-55, sa unang laro para sa dobleng selebras-yon ng mga taga-Mendiola. Ito ang ikalawang sunod na tagumpay ng Red Cubs, na naglagay din sa kanila sa tuktok ng standings sa juniors division.
Bumangon naman mula sa masamang umpisa ang Philippine Chris-tian University at nakipag-gitgitan sa College of St. Benilde bago itinakas ang 68-66 tagumpay sa ikalawang seniors game. (Ulat ni IAN BRION)