Red Bull umusad sa sa finals

Sa harap ng full-house crowd na dumayo sa Araneta Coliseum kagabi, ang ‘Tora-Tora’ ang naging sandata ng Red Bull Barako para igupo ang Coca-cola, 101-91 na nagdala sa finals ng PBA Gran Matador Fiesta Conference.

Unti-unti nang bumababa ang puting bandila ng Red Bull, nagpaulan ng tres ang Barakos sa pangunguna ni Jimwell ‘Tora-Tora’ Torion, upang pamunuan ang isang malaking run na nagsalba sa kanyang koponan.

Nagpakawala si Torion ng tatlong tres sa ikaapat na quarter, dalawa nito ay sa 15-0 run na nag-ahon sa Barakos mula sa two-point deficit tungo sa 11-puntos na kalamangan, 97-86 patungo sa huling 2:49 minuto ng labanan.

Makakalaban ng Red Bull sa best-of-five finals na magsisimula sa Miyer-kules sa Big Dome ang mananalo sa pagitan ng Ginebra at Talk N Text na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.

Show comments