Tampok din ang cheering competition, giant kite-flying exhibition, acrobatic show ng mga dating street children na papalamutian ng fireworks displays magiging hudyat sa isang linggong multi-event na kompetisyon na inorganisa ng Manila Sports Council (MAS-CO), na pinamumunuan ni Arnold Ali Atienza.
Makakasama ni Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain, na panauhin pandangal at keynote speaker si Manila Mayor Lito Atienza kasama ang mga pangunahing sports officials ng bansa, city hall luminaries at kinatawan ng 897 barangays at anim na congressional districts ng Manila na dadalo sa opening ceremonies.
May 8,000 student-athletes at out-of-school youth mula sa buong kamaynilaan na maglalaban-laban sa 14 sports event na nakalinya sa MY Games ang magsasama-sama sa stadium para mag-partisipa sa pambungad na seremonyas.
Ngunit bago pumagitna ang mga bata sa centerstage, bibigyan parangal ang mga Manilas sports greats sa pamumuno nina boxer Anthony Villanueva, swimmer Eric Buhain, shooter at football player Enrique Beech at basketball superstar Avelino Samboy Lim at Jerry Codiñera dahil sa kanilang paglikha ng pangalan sa national at international sports arena.