Ang Tigress, na nagtapos na katabla ang Lady Archers sa unahan matapos ang elimination round na may magkatulad na 7-1 record ngunit nakuha ng UST ang No. 1 spot dahil sa mas mataas na quotient, ay pinapaboran kontra sa Lady Pirates sa kanilang pag-alas-4ng hapon na engkuwentro.
Muling inaasahang dodominahin nina Mary Jean Balse, Joyce Pano at Venus Bernal ang net sa kanilang solidong kills at malapader na depensa tulad ng kanilang ginawa nang pabagsakin nila ang kanilang kalaban sa elims ng event na ito na itinataguyod ng Shakeys at suportado din ng Mikasa at Accel.
Ang laban ay isasa-ere ng live sa IBC-13.
Tulad ng UST, ang La Salle, ang reigning UAAP champion ay umaasang sasandal sa kanilang power hitters na pinamu-munuan ni 2003 UAAP MVP Desiree Hernandez, Carissa Gotis at lumalakas na si Carla Llaguno sa kanilang pakikipaglaban sa 4-peat NCAA titlist na San Sebastian sa a