Nanguna si import Jerald Honeycutt sa pagpapaulan ng triples ng Phone Pals na kinapos lamang ng isa para pantayan ang all-time record na 18-made triples ng Presto sa Reinforced Conference noong 1989 sa kanilang 175-159 panalo kontra sa Alaska, matapos umiskor ng walong three-points para sa kanyang 38-point performance na naging susi pagtatabla ng best-of-three semifinals series sa 1-1 panalo-talo.
Sumegunda kay Honeycutt si Willie Miller na tumapos ng 26-puntos para sa Phone Pals na nakabawi sa kanilang 95-100 kabiguan sa Game-One ng semis series noong Miyerkules
Dahil dito, naipuwersa ng Talk N Text ang winner-take-all na game-three na gaganapin bukas sa Araneta Coliseum para malaman ang uusad sa best-of-five finals kung saan ang kanilang makakalaban ay ang mananalo sa sariling semis series ng Red Bull at Coke na kasa-lukuyang naglalaban kagabi ng kanilang Game-Two habang sinusulat ang balitang ito.
Bagamat napatalsik sa laro si Donbell Belano nang kanyang ma-tanggap ang ikalawang technical foul nang kanyang ibato ang bola matapos itong bumagsak sa rolling ad nang siyay gitgitin ni Mark Caguioa. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)