Kahit mahigit apat na minutong nanahimik ang kampo ng Tigers, naipreserba pa rin ng Coke ang 91-87 panalo kontra sa palabang Red Bull sa pagbubukas ng semifinals ng transition tournament na ito kagabi sa Araneta Coliseum.
Ang pinaghirapang panalong ito ng Tigers ang nagpabagal sa ma-agang pagkaka-foul trouble ni import Mark Sanford, ang nagbigay sa kanila ng 1-0 bentahe sa best-of-three semifinal series.
Umabot sa 16 puntos ang bentahe ng Coca-cola ngunit unti-unting natibag ng Red Bull ang kalamangang ito sa ika-apat na quarter para bigyan ng mahigpit na hamon ang Tigers.
Ang pinakamalaking oposisyon ng Barakos ay ang 9-0 run sa huling bahagi ng ikaapat na canto nang kanilang pakawalan ang 9-0 bomba at makalapit sa 87-88, 8.5 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Humantong sa penalty ang Red Bull matapos ang foul ni Homer Se kay Johnny Abarrientos na nagsalpak ng dalawang bonus shots para sa 90-87 bentahe ng Tigers, 6.7 tikada ang natitira para sa krusiyal na posesyon ng Barakos.
Ngunit walang nangyari sa inihandang play ng Barakos matapos ang isang timeout nang pumaltos ang panablang tres ni Victor Thomas na sanay nagbigay ng overtime. (Ulat ni CVOchoa)