Dahil sa isang ligaw na pawn, naitala ni Paragua, may ELO rating na 2529, ang malaking upset kontra kay Super GM Viktor Bologan (ELO 2665), world No. 36 matapos ang 42-moves ng Caro Kann Defense-Panov Variation.
Sa kabilang dako, ang kasalukuyang Asian 3.2 Zonal champion na si IM Ronald Dableo (ELO 2426), ay nagkasya lamang sa draw sa kanyang laban kontra sa isa ring Super GM na si Liviu-Dieter Nisipeanu (ELO 2692) ng Romania matapos ang 52 moves ng English Opening.
Ginamit ni Paragua ang kanyang paboritong Kings Pawn Opening, ngunit mas pinili ng No. 1 player mula sa Moldova na gamitin ang Caro-Kann Defense, sa pag-aakalang malilito niya ang Pinoy IM.
Hinarang ni Paragua ang daan ng malakas na bishop ni Bologan sa pamamagitan ng pawn sacrifice sa d4 habang naghihingalo na ang kanyang rook sa f-file.
Nasira ang diskarte ni Bologan kaya sumuko ito matapos ang walong moves.
Dahil sa panalong ito, nangangailangan na lamang ang 1998 World Under-14 rapid champion ng draw sa kanyang ikalawang match na kasalukuyan niyang nilalaro habang sinusulat ang bali-tang ito kagabi para makalaban ang mananalo sa pagitan nina GM Sergey Dolmatov (ELO 2573) ng Russia at Super GM Alexander Moiseenko (ELO 2630) ng Ukraine.
Kung makakasilat si Dableo, posibleng makalaban nito si GM Sergei Tiviakov (ELO 2593) ng Netherlands o Super GM Gabriel Sargissian (ELO 2614) ng Armenia.