Walang challenge sa mga local teams at hindi ko na marahil dapat pang i-elaborate dahil kitang-kita nyo naman ang resulta ng laro.
Muntik pang magkaroon ng kaguluhan sa laro ng US-Pro-Am at Talk N Text.
At dahil talunan ang dalawang foreign team, pawang local PBA teams na ang nakasalang sa semis. Ito ay ang Red Bull, Ginebra, Talk N Text at Coca-cola.
Nawala sa eksena ang top two teams na San Miguel Beer at Alaska.
Anong nangyari?
Sana nga...
Tinalo nila ang star-studded Los Angeles Lakers na nagmukhang kawawa sa balwarte ng Pistons kung saan nakuha nila ang titulo.
Mahirap talaga kapag puro superstars ang nasa team tulad ng Lakers. Ika nga walang itulak-kabigin sa mga players. Lahat palaban. Sa kaso ng Pistons, wala namang superstar dito. Pero kitang-kita ang determinasyon sa kanila.
Eh bakit ba naman hindi, after 14 years makakasuot na rin sila ng championship ring. At yun din ang unang NBA title para kay coach Larry Brown.
Pero kahit na walang superstars ang Pistons, malakas at magaling na players sina Ben Wallace, Rasheed Wallace, Richard Hamilton at Chauncey Billups na tinanghal na MVP ng finals.