Ito ang inihayag ni Bert Lina, chairman ng Tour Pilipinas at presidente ng PhilCycling, ang national federation ng sports, sa kanyang pagtukoy sa dala-wang event na bubuo bilang bahagi ng overall preparation ng bansa sa 2005 Southeast Asian Games.
Ang 2004 Asian MTB Championships ay idadaos sa Setyembre sa Puerto Princesa City at inaasahang makikipagtunggali ang mga world-class mountain bikers mula sa powerhouse Japan, South Korea, China at dating Soviet Republics.
Si Lina, chairman ng Air21, ang kompanyang gumagastos sa Tour Pilipinas at nagdiri-wang ng kanilang ika-25th taon sa Lunes, ay nagsabing ang resulta ng katatapos na first Southeast Asian MTB Championships sa Danao City kung saan napagwagian nina Eusebio Quinones at Marties Bitbit ang gold medal sa cross country ay magbibigay ng magandang tsansa sa magiging performance ng bansa sa Asian MTB.
"Our president (Lina) has very positive thoughts about the Asian MTB and that these are all fitting preparations for the 2005 SEA Games which the Philippines is hosting," ani Mar Mendoza, PhilCycling secretary general. "The Phil-Cycling board has renewed enthusiasm over the prospects for the Asian MTB and the 2005 SEA Games that preparations are not only earnest, but also in full gear."
At para naman sa 2005 Tour Pilipinas, inatasan ni Lina ang pantay na preparasyon dahil ang maalamat na cycling bikathon ay magdiriwang ng ika-50th anibersaryo sa susunod na taon.
"We are aptly calling it the Golden Tour," ani Lina. "Its 50 in 05 and we would like to put more emphasis on how the Tour has become not only a sports spectacle but a truly Filipino tradition and trade mark."
Sapul noong 2002 nang ibalik ni Lina ang Tour mula sa apat na taong pagkakatigil, hindi pa nakakapagbiyahe ang event sa Visayas at Mindanao. At sa 2005 inihayag ni Lina na magiging bahagi na ang Visaya at Mindanao sa karera.