Nagising si Mary Jean Balse sa hindi magandang panimula kasama ang mga kakampi at dinomina ang ikaapat na set sa inaasahang laro ng Tigress upang pigilan ang Lady Tamaraws sa pama-magitan ng kanilang matitinding kills at mala-pader na depensa.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nakapuwersa ang pina-paborang UST netters sa four-set game matapos na bigyan sila ng malaking pagbabanta ng Lyceum Lady Pirates bago tuluyang ibulsa ang 25-13, 21-25, 25-20, 25-23, noong nakaraang Linggo sa event na itinataguyod ng Shakeys at ipinapalabas ng live sa IBC-13.
Bunga ng kabiguang ito, nalagay ang Lady Tamaraws na nalaglag sa 1-4 record kailangang ipanalo ang nalalabing laro upang mapanatiling buhay ang pag-asa sa event na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.