Sabal, Yambao panalo sa Beam Laiya patakbo

Nanguna sina Cresenciano Sabal, Liza Yambao, Ronald Serbidad at Nhean Barcena sa mahahabang kategorya ng Beam Zest-O Patakbong Pinoy Laiya Marathon na ginanap kahapon sa Laiya Ibabao, San Juan Batangas.

Si Sabal at Yambao ang nanalo sa 10-mile class habang si Serbidad at Bercena ang naging hari at reyna ng 5-miles category sa patakbong sinuportahan ng Media Runners and Sports Promotions.

Sina Race director Pablo Cay, Direct Link Runners Club president Romy Morales at Mayor Ruperto H. Manalo ang nagbigay ng cash prizes at medalya sa mga nanalo.

Sa 3-km kiddies category na suportado rin ng Beam Toothpaste at Zest-O Juice Drinks ang mga nagwagi ay sina Richard Delfin, Armer Millabe, Ronel Lavaro, Kimwell Casipit at Kenneth Santok. Sa pambabaeng grupo ay pinakamabilis sina Jinky Caluzan, Cinderella Agana, Edna Azurez, Teresa Casareo at Jenalyn Dy.

Kasunod ni Sabal sina Reynaldo de los Reyes, Roy Vence, Rio dela Cruz, Genovivo Azarcon, Elmer Sabal, Jojit de Asis, Modesto Malangan, Luis Penid at Ranie Lacson. Nasa top 10 kasama ni Yambao sina Gloria Diaz, Liza Delfin, Sealand Agana, Joan Manangay, Inate Sayrol, Jona Gayumba, Daisy Castellon, Genevive Delada at Edlyn Mabag.

Show comments