May pinaghalong magandang mukha at talento, pinapaboran ang Lady Archers na makukuha ang ikalawang sunod na panalo upang makabangon sa 4-set loss kontra sa University of Santo Tomas (4-0) at kasama ang Lady Stags sa No. 2 spot sa 2-1 (win-loss) slate.
Ngunit umaasa si La Salle coach Ramil de Jesus at ang kanyang mga bataan na nagreyna sa University Games noong nakaraang taon at kampeon sa CHED Games sa Bacolod City noong nakaraang buwan ang mahigpitang laban kontra sa SSC squad sa kanilang pang-alas-3 ng hapong engkuwentro.
Inaasahang hahatak ng atensiyon para sa La Salle ang UAAP MVP noong nakaraang taon na si Desiree Hernandez, Manila Santos, Carissa Gotis, Ivory Ablig, Nicole Ann Remulla at skipper Maureen Penetrante.
Gayunpaman, ang Lady Stags ay malamang na hindi pa rin makakaasa sa serbisyo ni lead setter Ma. Elena Mayo na may tigdas at hindi nakalaro sa kanilang laban kontra sa Tigress kung saan tinalo sila sa iskor na 28-26, 25-22, 26-24.
Samantala, susubukan naman ng Lady Knights at Lady Tamaraws na madugtungan ang kanilang pag-asa sa kanilang paghaharap sa pang-alas-5 ng hapong bakbakan.