Naging instrumento sa himala si Junthy Valenzuela na umiskor ng pampanalong freethrows at gumawa ng crucial blocks para sikwatin ang panalo sa Turbochargers na nag-sulong sa kanila sa quarterfinals.
Mula sa 20 puntos na kalamangan ng Shell, 76-56 sa kaagahan ng ika-apat na quarter, nalimitahan sa anim na puntos ang Turbochargers na naapektuhan sa maagang foul-trouble ni import Jameel Watkins na siyang dahilan ng kanyang maagang pagkakafoul out.
Sa pagtitiyaga ng Red Bull, unti-unti silang nakalapit at tuluyang nakuha ang momentum nang mapatalsik si Watkins, 2:54 pa ang nalalabing oras sa labanan.
Buong larong hawak ng Shell ang trangko hanggang sa umiskor si import Victor Thomas ng basket at disgrasyang na-foul ni Tony dela Cruz si Valenzuela na tumuntong sa freethrow line.
Kapwa ipinasok ni Valenzuela ang dalawang bonus shot na nagkaloob sa Barakos ng trangko sa kauna-unahang pagkakataon, 83-82, 9.1 segundo na lamang ang nasa tikada.
Tuluyang nakumpleto ng Red Bull ang malaking comeback win na ito nang masupalpal ni Valenzuela ang jumper ni Chris Jackson para umusad sa susunod na round.
Mapapahanay ng Group A sa quarterfinals ang Red Bull kung saan maka-kasama nito ang automatic qualifier na San Miguel, Talk N Text at ang US Pro-Am Selec-tion.
Sa Group B naman mapapasama ang ma-nanalo sa Sta. Lucia Realty-Ginebra na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito, ang Alaska, Coca-cola at University of British Columbia.