Ang kampanya ng Navy team ay binanderahan nina SEA Games veteran Junie Tizon at Ferdie Gamo ng kanilang walisin ang open category kung saan tanging ang paboritong si Larry Semillano lamang ang nabigong manalo makaraang lumasap ng 15-14 pagkatalo sa mga kamay ni Francis Joven ng Philippine Army sa welterweight class.
Umagaw naman ng atensiyon ang RP team sophomore na si Albert Pabila na umukit ng gold sa pinweight class makaraang igupo si Marvin Somodio 34-13, nang kanyang mapagwagian ang Best Boxer sa seniors category ng taunang tournament na ito.
Tanging ang 24-anyos na si Joeven ang nakaligtas sa pananalasa ng Navy team matapos na mapuwersa ni Franklin Albia ang Armyman na si Ernanie Desabille na magretiro may 1:16 sa fourth round ng kanilang lightflyweight fight, habang umiskor naman si Tizon ng RSC-O na panalo sa 29 segundo ng third round kontra sa Airman na si Mary Joy Tagbe sa lightheavyweight finals.
Ang iba pang nagsubi ng ginto ay sina Joan Tipon sa bantamweight class, Joegin Ladon sa lightweight fight, War-lito Parinas sa flyweight category, featherweight Ferdie Gamo at lightwelterweight Mark Jason Millegen.