Ang panalo sa semis nina Tizon, Semillano, Jon Tipon, Vincent Palecte, Franklin Albia at Joegin Ladon ay nagdala sa bilang ng Navymen na nasa finals sa labing-isa sa mainit na pagpapakita sa taunang torneo na inorganisa ng Amateur Boxing Association of the Philippines at iniho-host ni Davao del Norte Rep. Tony Boy Floriendo.
Pinuwersa ni lightheavy-weight Tizon si Maximo Tabangcura ng Philipine Army para magretiro sa 1:18 ng ikatlong round upang makaha-rap si Mary Joy Tagbe ng Air Force sa finals. Ang malakas na si Tagbe ay nanaig naman kay Navyman Pablo Gascara, 33-11 sa isa pang semis contest.
Si Semillano, beterano ng dalawang SEA Games ay namayani naman sa kapwa dating RP national team na si Joel Barriga ng Air Force, 33-15, sa welterweight class. Ma-kakaharap niya ang isa pang beterano ng RP team na si Francis Joven ng Philippine Army sa finals.
Masyado namang malakas si Palecte para kay Randy Cuanan ng Maramag, Bukid-non, 32-14, na nagdala sa kanya para sa all-Navy finals showdown kontra kay Tipon na nanaig kay Rico Laput ng Air Force, 13-5, sa bantamweight category.
Naipuwersa naman ni Ladon ang magaan na 37-17 decision laban kay Armyman Genebert Basadre upang makalaban si Mark Anthony Borja na nanaig naman kay Rommel Lagunoy ng Sorso-gon, 31-12, sa lightweight finals.
Pinigil naman ni Armyman Ernanie Despabille ang all-Navy finals sa lighflyweight class nang igupo niya si Johnny Cadiga, 30-23. Makakaharap niya ang 23 anyos na si Albia na nagpatalsik naman kay Jovive Eugenio ng Air Force sa pamamagitan ng RSC-O sa 20 seconds ng third round.