Ang laban ay itinakda sa ganap na alas- 3:30 ng hapon, kung saan ang magtatagumpay ay ookupa sa huling semifinals slot habang ang hindi papalarin ay magtutungo na sa maagang bakasyon.
Sa kabila ng pagtapos sa elimination round bilang pinakakulelat na koponan o No.8 seed, ang Jewels ay humatak ng dalawang malaking panalo, na naghatid sa kanila sa posisyong ito.
Sa playoff noong na-karaang Huwebes, ginapi ng Montana ang Sunkist-UST, 86-59, para maangkin ang isa sa huling dalawang quarterfinals berth at makaharap sa yugtong ito ang No.4 seed at may twice-to-beat na bentaheng Toyota, na kanila ring pinabagsak noong Sabado, 71-60, upang maitulak ang kanilang serye sa sukdulan.
Ang panalo ng Jewels o ng Knights ay magsasama sa kanila sa Viva Mineral Water-FEU, Wel-coat Paints, at defending champion Hapee Toothpaste sa Final Four samantalang ang mabibigo ay tuluyan nang mamamaalam sa torneo at makakalahok ng mga eliminado nang Lee Pipes-Ateneo, Sunkist, at Blu Star Advance.(Ulat ni Ian Brion)