Hindi mo malaman kung coincidence lang o ano pero nakapagtatakang pagkatapos ng eleksyon at saka nagdatingan ang mga delubyo sa ating bansa. Ilang araw lang matapos ang May 10 elections, may malakas na bagyo na sumalanta sa maraming lugar kung saan ngayon eh maraming walang bahay at ang mga taoy walang mga damit at walang makain at walang matulugan; may ipu-ipo na sumira ng napakaraming ari-arian sa Nueva Ecija; may fishkill kung saan napakaraming isda ang namatay; may redtide, at nung isang araw lang, may intensity 5 naman na lindol na. Bukod sa mga yan, tumaas na ang presyo ng gasolina at diesel, at hayan, tumaas na rin ang pasahe sa jeepney at bus. Nagtaasan na rin ang mga presyo ng school supplies dahil palapit na ang pasukan at huwag ka, nauna na diyan ang tuition fee increases. Nagtaasan na rin ang presyo ng mga gulay, manok, baboy at kung anu-ano pa.
Hindi mo tuloy malaman kung ang mga yan eh hinintay lang na matapos ang eleksyon dito sa atin.
At di pa yan, nandyan pa rin ang mga politiko sa ibat ibang lugar sa Pilipinas na ayaw pa ring tumanggap ng pagkatalo, kaya ayaw pa ring tumigil ang political unrest. Higit sa lahat sa palagay namin , yan ang pinakamalaking trahedya sa ating bansa.
Nakakaloka pero nung isang araw lang eh isinulat namin sa PM column namin ang tungkol sa PBL barker na inatake sa puso matapos siyang makitang nakikipag-argumento sa isang tao tungkol sa sound system sa loob ng Loyola Center kung saan ginaganap ang PBL games nung Martes?
Hindi na niya natapos ang game ng Viva at Welcoat nung araw na yun dahil matapos siyang mag-collapse sa press room, itinakbo siya sa ospital .
A little more than 2 hours, namatay din pala siya sa cardiac arrest.
Siya ay si Chuck Basilio na kaibigan ng marami sa PBL.
Wala na raw siyang magulang at wala ring kapatid except sa isang pinsan at isa pang kamag-anak na nanggaling pa sa US.
Sa mga kaibigan ni Chuck, tawag na lang sa PBL 8976383 at hanapin si Joey Lim, Beth o Lani para sa detalye.
Si Terry Que, ang team owner ng Welcoat paints, ang siyang nahirang na Most Valuable Player sa Fil-Chinese Basketball league (FCBL) na sinasalihan ng maraming Fil-chi na napakahilig sa basketball.
Malalaking kumpanya ang sumali rito at lahat naman sila eh nag-enjoy.
Over 50 years old na si Terry pero magaling pa ring maglaro at ,mabilis tumakbo. Maluluma sa kanya yung mga mas bata pa sa kanya na nakakalaro niya. Sabi nga ni Boy Lapid, breakfast, lunch at dinner na ni Terry ang paglalaro ng basketball.
Ang pagmamahal ni Terry sa basketball ang dahilan kung bakit patuloy na nakasuporta sa amateur basketball ang Welcoat Paints.
Announcement lang: Tinatawagan ang lahat ng 1979 graduates ng Mapua Institute of Technology dahil sa July 10, 2004 may general homecoming ang mga jubilarians at itoy gaganapin sa Manila Hotel. Para sa detalye you can visit mapua79@yahoogroups.com o kayay tawagan ang chairman ng organizing committe na si Deng Ngo Orial sa 0917-5283046.