Olsen Racela may ipagsasaya

May dalawang bagay na dapat panabikan at ikasiya si Olsen Racela ngayon.

Una, masaya ang San Miguel Beer playmaker sa pag-akyat ng kanilang team sa unang posisyon sa standings sa kasalukuyang PBA Fiesta Cup.

Ikalawa, unti-unti niyang naaabot ang ilang career achievements na kailangang matupad sa isang espesyal na araw.

Nangunguna ang San Miguel sa 10-team field na may dalawa pa lamang talo sa 16 na asignatura at pakiramdam ni Racela hindi pa nailalabas ang totoong lakas nila.

"We still haven’t really come together as a team. I’m really excited to see that time come. Usually, it’s just three or four players coming out with big games," ani Racela.

"I’m waiting for the time when all of us come toge-ther in a game. We haven’t seen Dale (Singson) really explode yet. Nic (Belasco) and Dorian (Peña) haven’t really dominated yet. Danny I (Ildefonso) and Danny S (Seigle) have not really shown what they can do. Imagine what can happen if the whole team has a really good night. We haven’t peaked yet," ani Racela.

At nananabik din ang San Miguel Gameboy sa pag-abot niya ng ilang career milestone. Ang cerebral play-maker ay nakatakdang makasama sa 5,000-point club, 500-steal club at 2,000-assist club anumang araw mula ngayon pero mas excited siyang maabot ito sa special day.

At kapag sinuwerte, magiging memorable ang Father’s Day para sa kanya kung saan inaasahan niyang makukuha ang mga career achievement niya.

"I’ve said it before, I’m dedicating those career achievements to my late father. That’s why I hope I can get them on Father’s Day, or close to that day," ani Racela, na nakatakda ding mag-shoot ng show para sa ABC-5, ang official coveror ng liga.

Ang ama ni Racela ay yumao bago nagsimula ang season at umaasa ang dating Ateneo star na maibibigay niya ang isang bagay na maipagmamalaki siya.

Show comments