Maging ang ilang multinationals ay umaayon sa topo-grapiya ng bawat lugar na kinalalagyan nila.
Kung sports ang pag-uusapan, sinimulan ni Abebe Bikila ang dominasyon ng Ethiopia sa marathon ng Olympics noong 1968. Itoy dahil malawak at mahirap ang kanilang bansa, at wala masyadong transportasyon.
Sa swimming, nangunguna ang mga taga-Australya, dahil napapaligiran sila ng karagatan.
At ang mga indoor sports ay madalas pinaghaharian ng mga bansang malamig ang klima. Ito rin ang dahilan kung bakit bibihira ang Pilipino sa Winter Olympics.
Sa ating bansa, siyasatin natin ang sports na angkop sa atin.
Noong panahon ng Great Depression, maging sa Amerika ay matunog ang pangalan ng mga Pilipino, dala na rin ng matinding pangangailangan.
Kung titignan natin, halimbawa, bagay ang aquatic sports at cycling sa mga lugar tulad ng Pangasinan, na pawang dagat at kapatagan ang natatanaw. Sa Baguio, tugma ang athletics, dahil sa taas ng lugar.
Pero, sa pangkalahatan ay marami ring sport na makaka-tulong sa atin.
Halimbawa, kung pinalaganap ng mga pamahalaang lugar ang mga martial arts, bababa ang mga insidente ng krimen.
Kung lahat tayo ay mag-aral ng pagtatanggol ng sarili, mas malusog na tayo, magagamit pa natin ang ating natutunan.
Kung pag-iisipan lang natin ang nababagay sa lugar at kakayahan natin, mamumulat tayo sa ating nakatagong talino sa maraming bagay, di lang sports.
Tayo mismo ay magiging mas kapaki-pakinabang bilang mga mamamayan.