Sinabi rin ni Muhammad na ang referee na si Joe Cortez, na tumata-wag ng kanyang ika-163rd world title fight eksaktong nakarating na ang kanyang bilang sa 10 matapos na tamaan si Manuel Marquez ng Mexico ng matinding suntok ng Pinoy pug sa ikatlong pagkakataon sa huling bahagi ng first round matapos na lumasap ng one-two mula kay Pacquiao sa MGM Grand.
Sinabi ni Burt Clements ng Reno sa Las Vegas Journale na hindi sinabi sa kanya na maaring magbigay ng 10-6 iskor ang judge sa events sakaling may tatlong knockdowns sa isang round. Kung naiskoran lang ni Clements ng 10-6 si Pacquiao, siya ang idedeklarang panalo sa bisa ng 113-112.
"Clearly, it wasnt non-awareness that there were three knockdowns," wika ni Clements.
Idinepensa naman ni NSAC commissioner Marc Ratner ang scoring ni Clements sa opening round na 10-7 sa halip na itama ito sa 10-6, at sinabi nitong judgment call. Ang dalawang iba pang judges--sina Guy Jutras ng Canada at John Stewart ng New Jersey ay umiskor ng 10-6 pabor kay Pacquiao.
Sa ilalim ng unified rules, ang tatlong three-knockdown rule ay hindi nakaka-epekto sa laban na humakot ng 7,127 manonood sa Grand Garden Arena.
Makaraan ang makapigil hiningang 12 rounds, umiskor si Jutras ng 115-110 para kay Marquez, habang si Stewart ay 115-110 para kay Paqcuiao at nagsumite naman si Clements ng 113-113 na siyang nagresulta ng split draw.
Habang maraming spectators ang kumondena ng nasabing decision, ang iba rito ay pumapabor kay Marquez sa bisa ng maliit na margin.
Umiskor ang Los Angeles Daily News ng 114-112 para kay Marquez na itinaya ang kanyang World Boxing Association at Internatioal Boxing Federation feather crowns.
Nagbigay naman ang USA Today ringside reporter na si Dan Rafael ng 114-111 para kay Pacquiao, habang si Royce Feour ng Las Vegas Review Journal ay 114-111 para sa underdog na si Marquez.
Pinili rin ng Los Angeles Times si Marquez na manalo matapos ang 12 rounds sa iskor na 113-112.
Umiskor naman ang boxing website fight-news.com ng 113-112 para kay Marquez, habang 113-113 naman ang Associated Press na ipinadala ni Tim Dahlberg.
Hindi pa maliwanag kung babaligtarin ng NSAC ang kanilang decision.