Ipinakita ng 49 anyos na si Reyes, ang kanyang mastery kay Kiamco sa race-to-11 match na tila replay ng kanilang nakaraang laban --kung saan nililimas ang rack sa mesa habang halos isang oras at 15 minutos na nakaupo si Kiamco sa kanyang upuan na naghihintay ng kanyang tira.
Inamin ng 34 anyos na Cebuano na mas makakalaro siya ng maganda ngunit hindi ito makakuha ng break sa mga tira ni Reyes nang dikit pa ang laban sa 4-3.
May isang tira na akala ni Kiamco ay naitago niya ang ball-2 sa pagitan ng dalawang bola sa corner pocket kung saan walang malinaw na daan para makapasok ang cue ball.
Ngunit nagkamali siya dahil isang long shot ang tinira ni Reyes na hindi lamang nakita ang 2-ball kundi itinago pa ang white ball na nakatago sa dalawang de-kulay na bola.
Hinihintay na lamang ni Reyes ang mananalo sa pagitan nina Jeong Young Hwa, ang Korean ranked No. 9 sa mundo kontra kay Thai Chatchawal Rutphae na kasalukuyang naglalaban pa habang sinusulat ang balitang ito.