Sinimulan ni Rosales ang kanyang pananalasa sa pamamagitan ng apat na strokes sa likod ng 18-anyos na si Aree Song, na nagtangkang maging pinakabatang winner sa kasaysayan ng womens tour.
Si Song ay bumagsak sa final day nang kumunekta ito ng 78 na naglagay sa kanya sa siyam na strokes sa likod ni Rosales.
Ang 25-anyos na mula sa Philippines ay lumaro ng apat na threesomes at umabante sa final group, isinalba ang par sa par-5 final hole sa halip na sumalikwat ang kanyang ikalawang tira patungo sa temporary club seats malapit sa kaliwang bahagi ng berdeng damuhan.
Siya ay nagtala ng 14-under 274, bago ninenerbiyos na pinanonood ang ilang golfers na nagtangkang maipuwersa ang playoff sa Eagles Landing Country Club sa Suburban Atlanta. Ngunit ang lahat ay pawang bigo.
Samantala, nakisakay rin si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa paghahatid ng kanyang papuri sa tagumpay na ito ni Rosales.
At sa pagkakataong ito, na kailangan ng bansa ng inspirasyon mula sa ilang mabibilang na sports heroes ang tagumpay na ito ni Rosales ay dumating sa tamang pagkakataon upang magsilbing elemento para magkaisa para sa bayan.