Gayunpaman, nanatiling overall leader ang STAR carrier na si Domingo na hindi nakatulog dahil sa iniindang malaking sugat nito sa tagiliran matapos sumemplang kamakalawa, kaya siya pa rin ang mag-susuot ng yellow jersey sa ikalimang sunod na araw para sa 252-kilometrong ruta ngayon na may dalawang ahunan at mangingilid sa tabing dagat.
"Parang rest day namin itong karera ngayon. Mahirap kasi yung karera bukas ," wika ni Domingo, ang 35-gulang na skipper mula sa San Carlos, Pangasinan, na tumawid ng finish line na kasama sa main peloton kasabay ang kanyang pinakamalapit na kalabang si Rhyan Tanguilig ng PLDT, may apat na minutong distansiya kay Ramos na tumapos ng karera sa loob ng dalawang oras, 15-minuto at 28 segundong bentahe.
"Hindi naman ako kinapos, kaya ko pa. Medyo nakasama lang yung pagkakasemplang ko kahapon. Gininaw ako kagabi, hindi ako nakatulog," kwento ni Domingo na nakabuntot kay Tanguilig sa kabuuan ng karera. "Kung anong ginagawa niya (Tanguilig) sa akin, ganun din ang gagawin ko. Sa likod lang niya ako palagi kahit maiwan kami, hindi ako titira. Masarap palang maging pasahero."
Pumangalawa kay Ramos ay ang Stage10-winner na si Lloyd Reynante ng Postmen na sinundan naman ni Paterno Curtan ng Patrol 117.
Si Domingo ay may kabuang oras na 40:23.40 at nananatiling may 4:27 minutong distansiya kay Tanguilig habang nakalapit naman si Samsung team captain Merculio Ramos na may 6:26 minutong distansiya na lamang matapos umahon sa third overall mula sa sixth.
"Kung anong ginawa ko ngayon (kahapon) ganun din ang gagawin ko bukas (ngayon), Dati siya yung nasa likod ko, ngayon, ako naman ang nasa likod niya, huwag lang akong masiraan," wika ni Domingo na may bentahe sa karera ngayon na nanalo na noong 1989 sa Laoag-to-Aparri stage nang itoy rough road pa at nag-runner-up na rin noong 1995.
Nakabawi naman ng oras ang Postmen sa labanan para P1-million team prize nang lumaki ang kanilang time-difference sa pumapangalawang Beer na Beer, na may 21:56 minuto nang distansiya sa kanilang kabuuang oras na 133:0236.85 habang may 23:56 minuto naming agwat ang Dole.
Bagamat kinuha ni Reynante ang tatlong puntos na sprint ngayon para lumikom ng 20-puntos sa Sprint King competition ng karerang ito na suportado ng Isuzu, Pharex, Red Bull, Lactovitale, Gatorade, Summit at Elixir Bikeshop, malayo pa rin ang agwat nito sa kasamahang si Domingo na may 38-puntos.