Ang naturang 18 atleta ay inindorso ng kani-kanilang National Sports Associations (NSAs) sa PSC na pinamamahalaan ni Eric Buhain na siyang nangasiwa sa nasabing proyekto na layuning makapaglaan ng suporta sa Filipino atheles sa kanilang pagtatangkang maka-sungkit ng Olympic berths at maging sa mga nag-qualified na para sa kani-kanilang training requirements at foreign exposures bilang bahagi ng kanilang build-up para sa nalalapit na Olympic Games sa Greece sa Agosto 18-29.
Iniutos rin ni Buhain kahapon ang pagpapalabas ng P7 milyon sa 19 NSAs bilang parte ng pangako ng PSC para maiprayoridad ang pag-popondo ng NSA ng kani-lang requirements bilang tugon sa Go GMA! Project. Noong nakaraang buwan ang PSC ay naglabas rin ng P11 milyon sa 20 NSAs para sa reimbursements, training equipment at foreign exposures.
Ayon kay Buhain ang pagpapalabas ng pondo sa NSA ay magpapatuloy kada buwan hanggang ang lahat ng obligasyon at pagtanggap ay maisaayos na ng ahensiya, gayundin ang pondo para sa Go GMA! Project.
Ang boxing ang siyang maaaring maasahan ng bansa para sa inaasam-asam na kauna-unahang gintong medalya sa Olym-pic ay nakatakdanmg lumahok sa ikatlo at huling Olympic qualifying tourna-ment para sa Asia kung saan isasabak sina Harry Tanamor, Junard Ladon, Genebert Basadre at Ferdie Gamo o kaya ay si Arlan Lerio sa Pakistan sa Mayo 5-13.
Ang iba pang boxers na nakasiguro na ng biyahe sa Olympiad ay sina Violito Payla, Romeo Brin at Christopher Camat.
Bukod pa sa 3 boxers, nakasama na rin sina taekwondo jins Tshomlee Go, Donald David Geisler at Maria Antoinette Rivero, swimmers Miguel Mendo-za, Miguel Molina at Carlo Piccio, Eduardo Buenavis-ta at Lerma Bulauitan-Gabito ng athletics at wildcard Jasmin Figueroa ng archery ang nakasiguro na ng Olympic slots.