Itinakda sa ika-4 ng hapon matapos ang pagtatagpo ng Montana Pawnshop at Blu Star Advance sa dakong alas-dos, ang labang ito ay ang pagsasagupa ng dala-wang collegiate team na nagtuos sa nakalipas na UAAP Finals, ang FEU Tamaraws, na ang core ang siyang bumubuo sa Viva at Ateneo Blue Eagles, na dala naman ang pangalang Lee Pipes. Ang una ang siyang nag-wagi.
Gaya ng naturang paghaharap, ang Water Force ang liyamado at paboritong manalo sa labang ito. Sila ay nagtagumpay sa tatlo sa nakalipas nilang 4 na asignatura kumpara sa Blue Eagles na wala pang naipapanalo sa tatlo nitong laro.
Isa pa sa bentahe ng Viva ay ang pagkakaroon nito ng malalaking manlalaro, sa pangunguna ng eksplosibong si Arwind Santos, bagay na wala o kulang ang Lee Pipes at ang ebidensya nito ay kitang-kita sa mga nakalipas nilang pagsalang.
Ang Blue Eagles ay umaasa lamang sa kanilang mga shooters sa pamumuno ni Larry Fonacier. Subalit hindi ito nagiging sapat sapagkat ang kahinaan nila sa ilalim ang sinasamantala ng kanilang mga kalaban lalo na sa krusyal na bahagi ng laro. (Ulat ni I. BRION)