PBL Unity Cup: Malinis na rekord itataya ng Welcoat

Itataya ng Welcoat Paints ang imakuladang karta sa ginaganap na Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa pagharap nito sa Sunkist-UST ngayon sa Pasig Sports Center.

Ang laban ay itinakda sa ika-2 ng hapon.

Samantala, ang makamit na ang mailap na tagumpay at mapigil ang nararanasang pagbulusok ang tatangkaing maisakatuparan ng Blu Star Advance sa pagsabak nito kontra sa defending champion Hapee Toothpaste sa tampok na laro sa alas-4.

Tangan ang malinis na 3-0 rekord, asam din ng Paint Masters na manatili sa liderato. Sila ay mag-bubuhat sa 11 araw na pahinga at 89-80 demolisyon sa Viva Mineral Water-FEU.

Gaya ng mga nakalipas na laro, ang eksplosibong troika nina Chester Tolomia, Jojo Tangkay at Ariel Capus ang muling gagamitin ng Paint Masters bilang pangunahin nitong sandata. (Ulat ni I. Brion)

Show comments