Dahil dito, siguradong mahihirapan ang mga Tour champions na sina Arnel Quirimit Warren Davadilla, sprint specialist Enrique Domingo at rookie Dante Cagas sa kanilang pakikibaka.
Noong Martes lamang, isinoli ng Pagcor Casino trade team ang mga hiniram na equipment sa Philippine Sports Commission na kanilang ginamit sa Tour de Langkawi kung kailan paalis na ang RP cyclists.
Nalaspag na ang mga equipments at mayroon pang nasira gaya ng pinakamahal na equipment --ang Campagnolo disc wheel glibe na nagkakahalaga ng P100,000, na nabasag sa gitna.
Isinoli ng Pagcor Casino Filipino trade team, na mina-manage ni Ric Rodriguez, ang disc wheel na may sticker para takpan ang butas na nadiskubre ng mga opisyal ng PhilCycling na kanilang inin-speksiyong maigi ang mga gamit.
Gagamitin sana ni Quirimit ang naturang disc para lumakas ang kan-yang tsansa sa Individual Time Trial sa Asian bikefest kung saan ang mananalo ng medalya ay makakasama sa olimpiyada.
Sa pagsabak nina Domingo, Davadilla at Cagas sa road race, laspag na ang kanilang gagamiting equipment.
Hindi ipinaliwanag ni Rodriguez o kahit na sino man mula sa trade team kung bakit nasira ang mga gamit at kung bakit kamakalawa lamang nila ito naisoli. (Ulat ni CVOchoa)