Ayon sa organizing Manila Sports Council (MASCO) at Philippine Amateur Volleyball Association (PAVA), 60 koponan na binubuo ng mga estudiyanteng may edad 12 pababa mula sa mga paaralan sa Maynila ang sabay-sabay na maglalaro sa Luneta na mismong si Manila Mayor Lito Atienza at Philippine Sports Commission Eric Buhain ang magsasagawa ng ceremonial drive sa opening ceremonies sa Sabado. Nais ni Bacolod representative at House Committee Chairman on Youth Affairs congressman Monico Puentebella na magkaroon ng isang Sports Summit pagkatapos ng pambansang halalan upang matalakay ang preparasyon ng bansa sa pagho-host nito ng 23rd Southeast Asian Games sa 2005.
Ang suhestiyong ito ay inihayag ni Puentebella sa ginanap na lingguhang PSA Forum sa Manila Pavilion kahapon kasabay ng panukala niyang maipagpatuloy ang sports program ng bansa magbago man ng administrasyon.
"Titingnan muna natin kung sino ang mananalo sa May election kasi baka mag-iba ng administration baka maiba rin yung mga members ng PHILSOC (Philippine SEA Games Organizing Committee)," aniya.
Ayon pa sa mambabatas, sangayon siya sa sinasabi ni Dayrit na dapat pagtuunan ng pansin ng government sports agency ang pangangalap ng pondo para sa pagsasanay ng mga atleta para sa naturang biennial meet at dapat makipagtulungan dito ang PSC. (Ulat ni IAN BRION)