Alvarez, Gonzales: Dating magkasangga ngayon ay magkabangga

Dating magkasangga sina Rich Alvarez at Wesley Gonzales ngunit ngayon magkaiba na ang kanilang landas.

Magkasama sa Ateneo sina Alvarez at Gonzales kung saan nagtutulungan silang ihatid sa tagumpay ang Blue Eagles.

Nagkahiwalay man sila sa kanilang pag-akyat sa Philippine Basketball Association dahil napunta si Alvarez sa Shell at si Gonzales sa FedEx ay nanatili pa rin silang magkaibigan.

Sa katunayan, sa inaasahang debut game ng top draft pick na si Alvarez, nanood si Gonzales para suportahan si Alvarez at tulad ng kanyang kaibigan ay nasaktan din matapos itong ibangko.

Ngunit ngayon, wala munang kaibi-kaibigan dahil maghaharap ang kani-kanilang team bukas sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Gran Matador Fiesta Conference.

"I’m excited because I might have to guard this guy (Gonzales) full time or most of the time," ani Alvarez, naging MVP sa UAAP para sa Ateneo na hinatid nila sa kampeonato noong 2003.

"This game is something to look forward to because I would be playing againts a guy I’m used to drawing strength from during our Ateneo days," sabi naman ni Gonzales.

Show comments