Ito ang ipinangako kamakalawa ni Bacolod Rep. Monico Puentevella kaugnay sa sigalot na naman nina Dayrit at Buhain ukol sa paghawak ng bansa sa 23rd Southeast Asian Games sa 2005.
"Ithink there is nothing wrong right after the election to get everybody together, Ill probably initiate that, lahat kami. Tapos mag-usap kami ng masinsinan bilang pagmamahal sa ating bayan," ani Puentevella.
"Siguro we have to take steps right after the election," dagdag pa ng Bacolod Solon.